Gagamitin ni US president Elect Donald Trump ang Us Forces para sa gagawing Mass Deportation ng mga Illegal Immigrants sa Estados Unidos.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito na sa ngayon ay wala pang opisyal na desisyon at detalye sa gagawing Mass deportation lalo at hindi na na coconfirm sa pwesto ang bagong Defense Secretary na na appoint ni Trump.
Dahil dito maraming sa Pilipinong Illegal Immigrants ang naghahanda na para sa pagbalik sa Pilipinas dahil sa banta na crack down ni Trump.
Batay sa datos ng US Immigaration Service aabot sa halos 300,000 ang mga Pilipino ang iligal na naninirahan sa Estados Unidos at pang anim sa mga immigrants na undocumented.
Karamihan sa mga illegal immigrants sa US ay may kaniya kaniyang trabaho kaya pinangangambahan na magkaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya ang mass deportation.
Samanatala tinutulan naman ng Arizona at California ang gagawing mass deportation of immigrants.