--Ads--

Todo pag-iingat na sa kalusugan ang mga Filipinong nasa South Korea pangunahin na sa mga nakakaranas ng heavy snowfall.

Umabot kasi sa 16 inches ang kapal ng snow na nararanasan sa lungsod ng Seoul at 140 na mga flights ang kinansela habang apat na katao ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa isang golf range matapos na gumuho ang net dahil sa kapal ng snow.

Nasa apat na katao na rin ang nasawi dahil sa mga aksidente sa lansangan at pagbagsak ng net ng isang golf course.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Eugene Guillermo na nasa Gyeonggi-do Gyeonggi Province sa South Korea na maging sa kanyang pinagtatrabahuan ay apektado rin dahil bumagsak ang bubong ng kanilang building pangunahin sa kanilang stockroom.

--Ads--

Mapalad naman sila na hindi sila naapektuhan ng masikip na daloy ng trapiko dahil walking distance lang ang kanilang pinagtatrabahuan.

Wala namang abiso sa suspension ng pasok sa kanilang trabaho at marami rin ang nag-oovertime dahil sa malamig na panahon.

Upang makaiwas naman sa sakit tulad ng ubo at sipon ay lagi silang umiinom ng vitamins at nagsusuot ng makakapal at patung-patong na damit.

Ito na ang ikatlong beses na naranasan ang heavy snowfall sa Capital City na Seoul mula pa noong 1907.

Dalawang katao rin ang nasawi sa ilang aksidente sa lansangan habang nasa labing isang katao naman ang nasugatan dahil sa madulas na kalsada.

Pinakaapektado rin ang main airport ng Seoul na Incheon Airport dahil sa mga kinanselang flights at delays kung saan umabot sa 15% ng flights nito ang kanselado batay sa flightradar24.