Laking tuwa ng mga delegasyon ng Pilipinas sa Paris Olympics dahil sa maalab na pagsalubong sa kanila ng mga Pinoy sa France.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva, pagbaba pa lamang ng eroplano ay maraming pilipino na ang sumalubong sa mga atletang pinoy sa Metz, France at nagkaroon pa ng salu-salo kung saan pagkaing pinoy tulad ng kanin at beef steak na may dessert na leche flan ang inihanda para sa kanila.
Masayang masaya aniya ang mga manlalaro at coaches dahil sa napakaraming taong sumalubong sa kanila na hindi nila inasahan.
Isang mass offering naman ang isinagawa para sa mga atleta sa isang simbahan sa Metz, at ito ay pinangunahan ng Embahada ng Pilipinas at Filipino Community.
ang misa ay pinangunahan ni Father Leo Balaguer ng Philippine Catholic Nission in France.
Isang tourist bus naman ang inarkila ng embahada para sa mga Filipino Community sa France sa kanilang pagsalubong sa delegasyon.
Pagkatapos ng misa ay nagtungo ang lahat sa isang sports center upang makasama, maka-kuwentuhan at maka-selfie ng mga Pinoy ang mga atleta.
Ayon kay Philippine Olympics Committee o POC President Abraham Tolentino natutuwa sila dahil Olympic Standard ang mga pasilidad na kanilang ginagamit para sa paghahanda sa Olympics.
Agad nilang binisita ang mga venues at malaking tulong sa kanila ang malamig na temperatura para sa kanilang pag-eensayo.
Inspirado aniya ang mga atleta at umaasa silang bago sila pumasok sa Olympic Village ay makakita nila ang Eiffel Tower na sikat na pasyalan sa Paris.