--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadadamay na ang mga Pilipino na nakakaranas ng diskriminasyon sa Italy matapos na napagkakamalang mga chinese dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nita Bituin, caregiver sa Milan Italy at tubong Nueva Ecija, sinabi niya na noong una ay hindi nila pinapansin ang mga ginagawang panlalait sa kanila ng ibang lahi tulad ng mga Pakistani at Indian na nasa Italya ngunit dahil nakakasakit na ang mga salitang naririnig ng mga Asian ay hindi nila maiwasang mapaaway.

Kapag sumasakay anya sila sa public transport ay nakakarinig sila ng mga masasamang salita tulad ng pagturing sa kanilang maruming tao.

Mayroon siyang Pilipinong nakipagsuntukan sa loob ng supermarket dahil sa naranasang pang-iinsulto ng isang Pakistani.

--Ads--

Ang ginagawa na lamang nilang mga OFW sa Italya ay sinusulatan nila ang kanilang face mask na hindi sila virus at taga Pilipinas sila.

Sa ngayon anya ay nagsarado na ang mga negosyo ng Chinese sa Italy at hindi na sila lumalabas at nagkukulong na lamang sa kanilang mga bahay.

Tinig ni Nita Bituin, caregiver sa Milan Italy.