--Ads--

CAUAYAN CITY – Naniniwala ang ilang Pinoy sa The Netherlands na kailangang pagkatiwalaan at igalang  ang magagawa ng International Criminal Court o ICC sa pag iimbestiga sa mga paratang sa giyera laban sa droga  ng administrasyong Duterte upang malinawan ang lahat.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Marlon Toledo Lacsamana, isang Pinoy na  The Netherlands, sinabi niya na hati ang reaksyon ng mga pinoy sa nasabing bansa sa nasabing usapin ngunit karamihan ay mas nais na ituloy ng ICC at mabigyan ng solusyon ang imbestigasyon.

Aniya wala namang police power ang ICC kaya wala silang karapatang dalhin at ipakulong si Pangulong Duterte sa piitan ng mga taong nagpasimula ng genocide o crimes against humanity  sakaling mapatunayang guilty sa mga paratang laban sa kanya sa kampanya laban sa droga.

Responsibilidad na ng susunod na administrasyon kung ipapadala si Pangulong Duterte sa The Netherlands dahil walang kakayahan ang ICC na magtungo sa bansa para lamang huliin ang sino mang nagkasala sa batas.

--Ads--

Sakaling mapatunayang guilty ang pangulo at hindi naman siya maaaring hulihin ng ICC dahil walang extraterritorial treaty ang Pilipinas sa mga bansa sa Uropa ay hindi siya madaling makabyahe sa mga lugar na may extra territorial treaty ang The Netherlands tulad ng Estados Unidos na hindi pumirma sa Rome Statute.

Malinaw din sa mga pinoy doon na ang maaaring imbestigahan lamang ng ICC ay ang mga panahong hindi pa kumakalas ang bansa sa Rome Statute pangunahin na noong taong 2016 hanggang 2018 ngunit maaaring I-extend ito ng isang taon o hanggang 2019.

 nagsagawa ng rally ang nasa dalawampung myembro Filipinos Against Corruption and Pyramiding sa harap ng ICC upang pabilisin ang pag iimbestiga sa kaso dahil itinuturing nilang guilty na ang pangulo sa nasabing paratang habang nagpaplano naman ang ilang Pro Duterte roon na magsagawa rin ng kanilang sariling rally upang ipanawagan o kondenahin ang  imbestigasyon.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Marlon Toledo Lacsamana.