CAUAYAN CITY – Ilang Police Station sa Coastal towns at mga bayan sa Southern Isabela ay hindi nakaligtas at nasira ng bagyong Rosita.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,Inihayag ni Police Supt. Melchor Areola ng police community relations ng Santiago City Police Office na dahil sa lakas ng hangin at ulan ay nabuwal ang isang puno sanhi para mabagsakan at masira ang tanggapan ng kanilang Mobile Patrol Group kasama na ang kanilang sasakyan.
Samantala, inihayag ni Police Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng Jones Police Station na basag ang salaming pintuan at binatana ng kanilang himpilan.
Matapos anya silang magsagawa ng force evacuation kagabi ay tuluyan na silang binayo ng mga malalakas na hangin hanggang kaninang tanghali sanhi para masira ang kanilang himpilan.
Samantala, maging ang himpilan ng pulisya sa mga bayan sa Southern Isabela at bayan ng Divilacan kung saan naglandfall ang agyong Rosita ay nagtamo rin ng ilang sira sa kanilang istasyon ng pulisya.