--Ads--

Inihayag ng mga organizer na walang politiko ang pahihintulutang magsalita sa entablado sa ikatlong bahagi ng “Trillion Peso March” na gaganapin sa Pebrero 25.

Ang “Trillion Peso March” Part 3 ay itatapat sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power.

Ayon kay Kiko Aquino Dee, co-convenor ng Tindig Pilipinas, ipagpapatuloy nila ang patakarang ipinatupad noong September 21 Trillion Peso March kung saan hindi binigyan ng pagkakataong magtalumpati ang mga politiko.

Gayunman, maaari silang makilahok bilang ordinaryong participants. “They are welcome to join as participants po. Marami naman po silang pagkakataon to speak to the people,” ani Dee.

--Ads--

Ang unang Trillion Peso March ay idinaos noong Setyembre 21, 2025.

Para sa ikatlong yugto, iginiit ng mga tagapag-ayos na magpapatuloy ang kilos-protesta bilang bahagi ng pagsusulong ng laban kontra korapsyon at ng panawagan para sa pagpasa ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law.