CAUAYAN CITY – Ipapatawag ng mga kasapi ng sangguniang Panlunsod sa isasagawang Committee Hearing sa ika-3 ng Nobyembre ang mga poultry at piggery farms dito sa Lunsod ng Cauayan dahil sa mga reklamo.
Ang committee hearing ay dadaluhan ng mga kasapi ng City Task Force on Piggery and Poultry Farms at Joint Inspection team ng City Task Force.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sangguniang Panlunsod member Bagnus Maximo, Chairman ng Committee on health and sanitation na hiniling ni Sangguniang Panlunsod Member Paul Mauricio na patawan na ng unang paglabag ang sinumang lumalabag sa ordinansa dahil paulit -ulit ang reklamong kanilang natatanggap tulad ng masangsang na amoy na nanggagaling sa mga babuyan at naglipanang mga langaw na galing sa mga manukan.
Nakasaad anya sa ordinansa na mayroong multang Limang libong piso sa unang paglabag kapag ito ay ipinatupad.
Dapat anyang mayroong nang rekomendasyon ang City Task Force on Piggery and Poultry Farms at Joint Inspection team ng City Task Force upang mapatawan ng multa ang sinumang may paglabag ang mga hindi sumusunod sa mga ordinansa.
Wala pa anyang nagmumultang may-ari o namamahala sa mga inirereklamong manukan at babuyan dahil sa palaging pinagbibigyan na maisaayos ang kanilang pagkakamali ngunit panahon na para maparusahan ang hindi sumusunod.