--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinangangambahang magkakaroon ng malaking epekto sa transport cost ng ibat ibang agricultural products sa bansa ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Raul Montemayor ang Chairman ng Federation of Free Farmers, sinabi niya na dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay inaasahan na nilang maapektuhan ang presyo at transport cost ng mga produktong pang agrikultura.

Sa katunayan, bago pa man ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo ay una nang tumaas ang presyo ng abono dahil sa mataas na bentahan nito sa world market.

Maliban rito ay pinangangambahang maapektuhan na rin ang mga magsasakang gumagamit ng patubig o water pumps at mga nagbibiyahe ng kanilang mga produkto dahil maging sila ay malaki rin ang ginagastos sa paggamit ng krudo.

--Ads--

malaking bahagdan rin ng mga mangingisda sa bansa ang gumagamit ng gasolina upang pumalaot at makapangisda.

Ayon kay ginoong Montemayor magkakaroon ng domino effect ang sunod sunod na fuel price increase dahil sa hindi lamang farm inputs ang maapektuhan gayundin ang production cost ng mga magsasaka.

Paliwanag niya na dahil sa mataas na presyo ng petrolyo maraming mga negosyante ang maaaring bawiin ang additional cost sa pamamagitan ng pagtaas ng mga agricultural products na ibinibenta sa mga magsasaka.

Iginiit niya na maliban sa mga driver operator’s ng mga pampublikong sasakyan ay nararapat ring mabigyan ng fuel subsidy ang mga magsasaka dahil maging sila ay gumagamit ng mga gasolina at krudo sa mga makinarya at water pumps.

Aniya, bagamat sinasabi ng mga mambabatas na malaking buwis ang mawawala sa bansa na ipopondo sa mga programa ng pamahalaan sakaling suspindihin ang pagpapataw ng excise tax sa langis ay kailangang mabigyang pansin ang kita at hanapbuhay na mawawala sa taumbayan.

Maliban rito ay nagiging katawa-tawa na rin ang hakbang ng ilang mambabatas na sumasalungat sa pansamantalang pagsuspinde sa pagpapataw ng excise tax sa langis subalit pumapabor na mas mapababa pa ang taripa ng imported na bigas at baboy na nagreresulta rin sa kawalan ng pondo.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Raul Montemayor ang Chairman ng Federation of Free Farmers