CAUAYAN CITY- Tiniyak ng bagong pamunuan ng Isabela Highway Patrol Group na magtutiloy tuloy ang ginagawa nilang aktibidad.
Ayon kay PMaj. Renoli Bagayao,ang bagong provincial officer ng HPG Isabela, maganda ang naging pamamalakad ni major sales sa hanay ng Highway patrol team noong kaniyang panunungkulan.
Kaya naman, ipagpapatuloy ito ng bagong upong opisyal at sisiguruhing tututukan ang mga kasong may kaugnayan sa carnapping.
Direktiba ng HPG na sugpuin ang carnapping kaya ito ang sisikapin ng opisna na matupad batay sa naging pagppahayag ng opisyal.
Bukod pa rito, nakahanda rin ang opisyal na dagdagan pa ang mga aktibidad ng opisina kung kakailanganin.
Ngunit sa ngayon isa sa gagawin nila ay ang masiguro na mapanatili na ligtas ang lalawigan sa mga carnapper.
Dagdag pa ng opisyal, itutuloy din nila ang monitoring sa mga sasakyan na nasa lansangan.
Sa tala ng HPG Isabela, walang mga carnapping group na umiiral sa lalawigan.
May mga ilan mang naiuulat sa kanilang opisina na nawawalang sasakyan ngunit hindi ito maituturing na carnapping base sa isinasagawnag imbestigasyon ng mga awtoridad.
Nanawagan din ang HPG Isabela na makipagtulugan sa kanilang opisina at ireport kung sakalimang mawalan ng sasakyan.










