CAUAYAN CITY – Tinalakay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resouces o BFAR ang kanilang programa para sa mga magbabalik loob na kasapi ng NPA sa ginanap na Usapang Pangkapayapaan Usapang Pangkaunlaran o UP UP Cagayan Valley ng Tactical Operations Group o TOG 2 sa pamamagitan ng online.
Patuloy ang programa ng TOG 2 tulad ng Campus Peace and Development Forum na nilalahukan ng ibat ibang mga mag aaral sa mga bayan sa Isabela at napag uusapan ang mga ginagawang panlilinlang ng kilusan sa mga kabataan upang sumapi sa kanila.
Sa naging pagpapahayag ni Admin Officer IV Sherwin Buguina ng BFAR Region 2 ibinahagi niya ang kanilang pwedeng ialok na programa para sa mga susukong kasapi ng mga rebelde bilang suporta sa NTF ELCAC tulad ng pamimigay ng mga fingerlings bilang hanapbuhay ng mga ito.
Aniya kung lehitimong mangingisda ang former rebel ay makukuha nito ang lahat ng serbisyo mula sa BFAR.
Samantala susuportahan naman ng ahensya ang mga hindi mangingisdang former rebel ngunit na magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga ito sa paggawa kanilang sariling ng fishpond.
Magsasagawa na lamang ng update ang ahensya sa naging pangkabuhayan ng former rebel para sa report kung ito ay napalago nito o nalugi.
Maliban sa mga programa para sa mga former rebels ay mayroon din silang programa para sa mga mamamayan sa coastal areas kabilang ang indigenous people.











