--Ads--
Pinag-uusapan na ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority ang posibilidad na makabili na ng P20 na bigas ang mga public teacher.
Ito ang sinabi ni DA assistant secretary Arnel de Mesa sa isang press conference sa Quezon City.
Ayon kay De Mesa, target nilang maibenta na rin ang P20 na bigas sa mga guro ng pampublikong paaralan sa bansa.
Aniya, nagawa na ito sa mga senior citizen, PWD, solo parent at miyembro ng 4Ps kung kaya nais na rin nila itong maisakatuparan sa parte naman ng mga guro sa Pilipinas.
--Ads--
Samantala, inaasahan naman ngayong buwan o August 13 na makakabili o mayroon na ring access itong mga local farmer ng P20 na bigas para sa Region 2 at Region 3.










