--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinihiling ng pamilya Benitez na pansamantalang irelieve sa pwesto ang mga pulis na rumesponde at bumaril patay sa kanilang kaanak na dating kapitan ng brgy Caloocan, Alicia, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rogelio Benitez, Municipal Administrator ng Alicia at kapatid ng napatay na si Antonio Benitez, 54 anyos na hindi sila kumbinsido sa bersyon o report na ginawa ng Alicia Police Station.

Anya aasikasuhin muna nila ang burol at pahupain ang trauma ng kanilang pamilya hinggil sa pangyayari at planong hilingin sa pamunuan ng Isabela Police Provincial Office na siyasatin ang insidente at idulog sa committee on peace and order ng sangguniang bayan ng Alicia para pagliwanagin ang pamunuan ng Alicia Police Station.

Magugunitang binaril ni dating barangay kapitan Antonio Benitez ng Victoria, Alicia, Isabela sa isang bahay inuman ang biktima na si Romeo Pasion, 66 anyos at residente ng Magsaysay, Alicia Isabela.

--Ads--

Nagtamo si Pasion ng tama ng bala ng Caliber 45 sa kanyang tiyan at agad isinugod sa ospital.

Matapos ang pamamaril ay nagtungo si Benitez sa bahay ng kanyang kinakasama sa barangay Caloocan, Alicia kaya pinuntahan siya roon ng mga kasapi ng Alicia Police Station.

Sa halip umano na lumabas at sumuko ang dating barangay kapitan ay pinaputukan ang mga pulis na gumanti ng putok.
Tinamaan ng mga bala si Benitez at idieneklarang dead on arrival sa ospital.