--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakabalik na ang mga pulis na nagsilbing augmentation force sa katatapos na ASEAN Summit and related meetings sa Kalakhang Maynila.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr Insp. Essem Galisa ng Cauayan City Police Station ang mga pulis na nagbigay ng seguridad sa ASEAN Summit ay babalik na sa Isabela sakay ng 10 bus, tatlong SUV, Isang ambulansiya at dalawang truck.

Ang mga pulis na galing sa Isabela ay itinalaga sa sa iba’t ibang lugar na pinagdausan ng ASEAN Summit at mga lansangan na dinaanan ng mga delegado.

Isang linggong nagtagal sa Kalakhang maynila ang mga pulis na galing sa Isabela.

--Ads--