Nagmartsa ang mga protesters mula sa iba’t ibang sektor mula EDSA Shrine patungong People Power Monument kaninang umaga bilang bahagi ng paggunita sa ika-apatnapung (40) anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Bandang alas-otso trenta (8:30) ng umaga, nagtipon ang mga kalahok sa EDSA Shrine na may dalang mga plakard na nananawagan laban sa korapsyon at political dynasties bago nagmartsa patungo sa monumento.
Nagbigay ng panata ang mga lider ng grupo, nag-alay ng dilaw at puting bulaklak, at umawit ng “Bayan Ko” ni Freddie Aguilar sa harap ng monumento.
Bahagi ito ng pagbubukas ng ikatlong Trillion Peso March kung saan ginanap din ang pangunahing programa kaninang alas-3 ng hapon.
Ang unang Trillion Peso March ay isinagawa noong September 21, 2025 kaugnay ng mga isyu ng korapsyon sa flood control projects, na sinundan ng isa pang protesta noong November 30, bilang paggunita sa Bonifacio Day.







