--Ads--

May paalala ang Comelec Benito Soliven sa mga botante na huwag idaan sa social media ang mga reklamo kaugnay sa umano’y pamimili ng boto sa naturang Bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Election Officer Marjorie Santos sinabi niya na matapos ang Final Testing and Sealing sa iba’t ibang polling precinct sa Benito Soliven ay naglipana na ang mga reklamo ng pamimili ng boto.

Katuwang ang PNP maging Militar ay tinungo ng Comelec ang lugar kung saan sinasabing may nagaganap na bilihan ng boto subalit pagdating doon inihayag ng nagreklamo na shared post lamang ang ibinahagi niya sa social media.

Giit ni election Officer Santos na hindi nila masasawata ang talamak na pamimili ng boto kung hindi maglalakas loob ang mga botante.

--Ads--

Aniya, mahigpit ang paalala nila sa mga Opisyal ng Barangay na bantayan ang knailang nasasakupan para mapanatili ang kaayusan ng halalan.

Dagdag paniya na bagamat pinahihintulutan ang mga opisyal ng Barangay na ikampaniya ang mga nais nilang suportahan ay dapat hindi nila abusuhin ang prebelehiyong ito at huwag gipitin ang mga botante at hayaan ang mga ito na mag pasya sa nais nilang iluklok sa pwesto.