--Ads--

CAUAYAN CITY- Puspusan na ang ginagawang pagsasanay ng mga representante ng SDO Cauayan sa TV Broadcasting English at Filipino Category para sa Regional Press Conference 2025 na gaganapin ngayong abril 7 hanggang 9

Target ng grupo na maiuwi ngayong taon ang kampyonato matapos masungkit noong nakaraang taon ang first runner up sa nabanggit na kompetisyon

In-house training ang isa sa mga ginagawa ng TV Broadcasting Filipino at English para sa paghahanda sa RSPC 2025

Ayon kay Aldywn Delmendo, ang Director at Scriptwriter ng TV Broad Filipino, tiwala ito na mas magiging maganda ang maipapakita ng kanilang team dahil sa sapat ang kanilang preparasyon

--Ads--

Aniya, noong nakaraang taon ay halos isang linggo lamang ang kanilang naging pagsasanay at nakamit nila ang ikalawang pwesto

Ngunit ngayon ay isang buwan ang nailaan sa kanilang preparasyon kaya’t tiwala siyang maganda ang kanilang maipapakitang resulta

Bukod sa pag eensayo sa pagsusulat ng balita, pag aayos ng mga teknikal at pagdi deliver ng mga balita, isa rin sa tinutukan ngayon ay kung papaano mas mapapalawig ang kanilang team effort para sa nalalapit na kompetisyon.

Samantala, bagaman may pressure para sa kanila ang RSPC ngayon taon dahil ang SDO Cauayan ang host ng event

Tiwala ang mga kalahok na mabibigyan nila ng magandang presentasyon ang ibang mga deligado

Hindi rin kalaban ang tingin nila sa mga kapwa kalahok kundi mga journalist na magpapakita ng kanilang talento at kakayahan sa larangan ng pamamahayag.