--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanatiling mapayapa at hindi ramdam ng mga residente sa naturang bansa ang pagiging agresibo ng bansang china sa patuloy na panghihimasok nito sa teritoryo ng Taiwan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Joey Jacinto Antonio,  OFW sa Taiwan at  tubong Pulay,  Luna Isabela, sinabi niya na batay sa kanilang mga nakakalap na imposmasiyon mula  mismo sa mga taiwanese, malinaw ang paninindigan nilang  hindi  papasakop sa bansang China.

Aniya, iginigiit ng mga residente ng Taiwan ang kanilang kagustuhang maging malayang bansa na hindi papasakop sa pamumuno at kapangyarihan ng China.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagpapalipad ng China ng mga military Figther jets sa Taiwanese Air Defence Zone.

--Ads--

Sa ngayon ay nanatiling kalmado at hindi nararamdaman ang tensiyon sa dalawang bansa sa kabila ng patuloy na pagpapakita ng opensiba ng bansang China.

Bilang tugon naman sa mga ipinapakitang opensiba ng China ay tuloy tuloy rin ang pagpapalipad ng aircrafts ng taiwanese government upang matiyak ang kanilang  seguridad.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Joey Jacinto Antonio,  OFW sa Taiwan.