--Ads--

CAUAYAN CITY-Nagkakaroon na ng panic buying ang mga residente ng lunsod dahil sa pinangangambahang pananalasa ng bagyong Ompong sa Cauayan City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Gng Frolinda Bulan ,tindera sa private market na ikinagulat nila ang pagdagsa ng mga mamimili simula kaninang umaga hanggang ngayong hapon.

Ito ay dahil kakaunti lamang ang mga bumibili ng kanilang mga paninda sa mga nakaraang araw kumpara ngayong araw na biglang dumami ang mga mamimili

Pangunahing binibili ay mga pagkain na maaari nilang iimbak sa panahon na maaring manalasa ang bagyong Ompong.

--Ads--

Kanya pang inirawan na parang panahon na ng pasko na marami ang namimili

Wala namang nagtaas ng presyo ng kanilang paninda dahil nauna nang nagpatupad ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga pangunahing bilihin bilang paghahanda sa bagyong Ompong.