--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy na pinag iingat ang lahat sa Estados Unidos dahil sa tumitinding heat wave.

Sa naging panayam ng Bombo Radyon Cauayan kay Bombo International News Correspondent Isidro Madamba Jr mula California na naglabas na ng mga alitutunin ang National Weather Service ngayong nararanasan ang heat wave sa naturang bansa.

Aniya, lahat ay pinapayuhang manatili sa malamig na lugar, manatiling hydrated at umiwas pansamantala sa pag inom ng alcohol.

Sa ngayon ay binabantayan na ang kalusugan ng mga senior citizen na labis na maapektuhan ng matinding init ng panahon gayundin na isiasaalang alang ang kapakanan ng mga alagang hayop.

--Ads--

Mas inaasahan pa naman umano ang matinding init ng panahon sa Estados Unidos pagsapit ng buwan ng Hulyo.