CAUAYAN CITY – Magpapalabas si Mayor Benard Dy ng Executive Order para sa pansamantalang pagsasara ng mga pampubliko at pribadong sementeryo gayundin ang mga memorial parks sa ikadalawamput siyam ng Oktobre hanggang ikaapat ng Nobyembre, 2021.
Dahil dito nanawagan ang Punong Lunsod sa mga mamamayan na dalawin na ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay ng mas maaga bago ang temporary closure ng lahat ng mga sementeryo at memorial parks sa Lunsod ng Cauayan.
Ang hakbang ni Mayor Dy ay naglalayong maiwasan ang hawaan ng COVID-19 dahil hindi maiiwasan ang sabay-sabay na pagdalaw sa sementeryo kapag binuksan ang mga ito sa araw ng mga patay.
Inamin ni Mayor Dy na malaking hamon sa pamahalaang Lunsod ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lunsod at napabilang sa critical areas sa Rehiyon dos bukod pa sa banta ng delta variant
mula noong ikalima ng Oktobre, 2021 ay may kabuoang 493 na aktibong kaso matapos maitala ang 117 na bagong kaso.
Nagkaroon din 152 ng bagong gumaling sa virus.
Sa nasabing aktibong kaso 451 ang naka-home quarantine, labing pitu ang naka-admit sa mga pampubliko at pribadong pagamutan, lima ang nasa isolation unit at dalawampo ang nasa barangay faclity quarantine.
Sinabi pa ni Mayor Dy na hindi na kayang ma-admit sa mga pagamutan sa Lunsod ang lahat ng pasyente kayat nagdagdag ng isang daang pulse oximeters at handy oxygen sa RHU 1 at RHU 2 bilang tulong sa mga pasyente sa mga bahay .
Nagbahagi na rin ang pamahalaang lunsod ng mga gamot tulad ng Remdisivir at baricitinib para sa mga may mild at moderate symptoms.
Sa 493 COVID-19 active cases ay 46 ang asymptomatic at 427 ang may mild symptoms tulad ng ubo,sipon at lagnat, dalawampo ang may moderate symptoms at walang citical condition.
Ang pinakaramaming nagtala ay ang District 1 na may 71, barangay Cabaruan at Barangay San Fermin na may tig- 63 active cases, District 2 at minante uno na may tig-dalawamput walo, District 3 na labing walo, barangay Marabulig at Sillawit na may tig-labing apat, barangay Minanate dos na labing tatlo, Tagaran na dalawamput tatlo at ang barangay Turayong na labing siyam.











