--Ads--

CAUAYAN CITY– Inamin ng pamunuan ng 5th Infantry Division Phil. Army na nakahimpil sa Gamu, Isabela na nadagdagan ang mga sumukong New Peoples Army (NPA) matapos ideklarang persona non-grata sa kanilang nasasakupan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Noriel Tayaban, spkoesman ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na nasa 222 NPA na ang sumuko simula noong 2016.

Aniya, ito ay dahil wala na silang nakukuhang suporta sa mga mamamayan gayundin na wala na silang mapagtataguan.

Sa kanilang nasasakupan ay mayroon ng dalawang probinsya na nagdeklara ng persona non-grata at ito ay ang Ifugao at Kalinga habang mayroon na ring labing siyam na bayan at dalawang lunsod na kinabibilangan ng Tabuk sa Kalinga at Cauayan sa Isabela gayundin na mayroon na ring 36 na barangay.

--Ads--

Malaking tulong aniya ang programa ng pamahalaan na end communist armed conflict dahil alam na umano ng mga mamamayan na ang mga NPA ay terorista.

Tinig ni Major Noriel Tayaban ng 5th ID

Patuloy ding hinihikayat ni Major Tayaban ang mga NPA na sumuko na at samantalahin ang programa ng pamahalan na Enhance Comprehensive Localized Integration Program (E-CLIP)