--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagtugis ng mga kasapi ng 86th Infantry Batallion Phil. Army sa mga tumatakas na mga kasapi ng New People’s Army o NPA matapos isumbong ng mga residente sa barangay Bantug, Angadanan ang kanilang ginagawang pangingikil.

Inihayag ni Col. Laurence Mina, Brigade Commander ng 502nd Infantry Brigade tinugunan ng mga kasapi ng 86th Infantry Battalion ang sumbong ng mga mamamayan na paghingi umano ng mga rebelde ng bigas sa mga sibilyan na nauwi sa engkuwentro.

Nagkaroon ng ilang minutong engkuwentro ngunit umatras ang hindi pa malamang bilang ng mga rebelde.

Ayon kay Col. Mina, dinagdagan na niya ang puwersang tumutugis sa mga papatakas na mga NPA.

--Ads--

Maging ang mga pulis sa bayan ng Angadanan at mga kalapit bayan ay nagsasagawa na rin ng mga checkpoints upang magsilbing blocking force sa mga tumatakas na rebelde.