--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaputukan ng mga kasapi ng New Peoples (NPA) ang mga sundalong nagsasagawa ng community support program sa Mabbayad, Echague, Isabela.

Sa Panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Remegio Dulatre, Commander ng 86th Infantry Batallion ng Philippine Army na ang mga sundalo ay bahagi ng Community support program ng pamahalaan para magserbisyo sa mga mamamayan.

Ang mga sundalo ay tumutulong din sa pagbibigay ng peace and order at tinitignan nila ang maaaring i-develop sa barangay Mabbayad upang mai-refer nila sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Matapos anyang kumain at nagpapahinga ang mga sundalo ay biglang pinaputukan ng mga rebelde

--Ads--

Inihayag pa ni Lt. Col. Dulatre na 150 hanggang 200 metro lamang ang layo lamang ng mga rebelde sa mga mag-aaral sa daycare Center matapos paputukan ang mga sundalo na tumagal ng 10 minuto

Ayon sa mga opisyal ng barangay Mabbayad, noong marinig ng mga sibilyan ang palitan ng putok ng mga sundalo at NPA ay nagtakbuhan ang mga sibilyan habang isang sundalo naman ang sugatan dahil sa tama ng bala ng baril sa daliri.

Naniniwala si Lt. Col. Dulatre na ginugulo lamang ng mga rebelde ang magandang pakikitungo ng mga mamamayan sa mga sundalo at gumagawa lamang anya ang mga NPA ng paraan upang mayroong maisisi sa mga sundalo.