CAUAYAN CITY- Naniniwala ang mga opisyal ng brgy. Santo Domingo sa Echague Isabela na hindi mula sa kanilang Barangay ang mga suspek sa nangyaring hold up.kaninang umaga sa kanilang nasasakupan
Ayon kay punong Barangay Willy Gaffud, tahimik ang kanilang lugar at nagulat na lamang siya sa nangyaring hold up
Aniya, hindi niya inaasahan ang ganitong pangyayari lalo pa at batid niya na mapayapa ang pamumuhay ng mga residente sa Barangay
Kaya naman, pag uusapan aniya nila kasama ang kanilang mga tanod ang mga hakbang kung papaano mas mapapangalagaan ang mga seguridad ng kanilanf nasasakupan
Ayon din sa kapitan, maayos naman bilang isang mamamayan sa barangay ang biktima kaya naniniwala ito na hindi dahil sa personal na rason ang nangyari.
Matatandaan na tinangay ng riding in tandem na lulan ng motorsiklo ang 50k halaga ng alahas ng isang negosyante matapos mabiktima ng hold-up sa Santo Domingo, Echague, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Paul Bulan, nakasaksi sa pangyayari, sinabi niya na bago ang insidente ay kausap niya ang biktima sa labas ng talipapa nito ngunit nagulat na lamang sila nang biglang huminto ang isang single motorcycle na may lulang dalawang tao.
Bumaba ang backrider nito at tinutukan ng baril sa batok ang biktima tsaka hinablot ang necklace at bracelet nito.
Sinubukan pa umano ng suspek na tanggalin ang singsing ng biktima subalit bigong makuha ito.
Minabuti na lamang ng backrider na sumakay sa motorsiklo at dali-daling nilisan ang lugar tahak ang daang patungo sa Centro ng Echague.
Dahil sa takot ay hindi na nila nagawang manlaban pa.
Ayon kay Bulan, hindi nila nakilala ang mga suspek dahil may suot ang mga ito na helmet at tanging physical physique lang ng mga ito ang kanilang natatandaan lalo na at wala ring plate number ang ginamit na motorsiko.
Ayon sa kaniya, sa daan galing Angadanan ang pinagmulan ng mga suspek at tumakas sila patungong Centro Echague
Matatangkad at maganda ang pangangatawan ang tanging naobserbahan ng saksi sa nangyaring hold up
Laking pasasalamat na lamang ng biktima na hindi siya binaril ng mga suspek, ayon pa sa kaniya kung sakaling makita niya muli ang mga ito ay makikilala niya ito dahil matagal na niyang napapansin na dumadaan sa kaniyang bahay sa lugar ang mga suspek at minsan ay nagtanong na din sa kaniya.











