--Ads--

Maagang sinalubong ng mga Taiwanese ang Chinese New Year sa Taiwan.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Ria Rose De Guzman na alas kwatro pa lamang ng hapon ay nagsimula na silang magluto ng kanilang ihahanda para sa pagdiriwang.

Pagsapit ng alas-6 ng hapon ay nagsimula na silang magsalu-salo at magbigayan ng ampaw habang ang ilan ay bumibisita sa mga bahay sa kanilang lugar para makisaya.

May mga ilan naman na inantay ang hatinggabi bago salubungin ang Chinese New year kung saan may kaniya-kaniyang fireworks display naman ang ilang mga  bahay.

--Ads--

Ngayong araw ay may marami ang nagtungo sa simbahan para magdasal.

Simula noong Lunes, ika-27 ng Enero ay holiday na sa Taiwan hanggang huling araw ng Enero kaya naman sinasamantala ng ilan ang magbakasyon.

Samantala, naging magarbo ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Singapore.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Mj Lopez na sari-saring mga pagkain ang inihanda ng mga chinese kung saan hindi nawala ang chinese cake o ang tinatawag na tikoy.

Hindi naman mawawala sa mga bahay ang money plant at ang mga bilog na prutas, chocolates at wine.

Bilang paghahanda sa chinese new year ay nag-general cleaning sila at pinalitan ng bago ang lahat ng kagamitan sa bahay bilang bahagi ng kanilang paniniwala.

Bawal din sa kanila ang maglinis tuwing unang araw ng Chinese New year dahil sa paniniwalang naitataboy daw ang swerte.

May mga activities naman na isinagawa sa mga pampublikong lugar bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang.