--Ads--

CAUAYAN CITY- Sa ikatlong pagkakataon ay isinagawa ang sorpresang drug test sa mga Tokhang responders na umaabot sa 116 sa Roxas,Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Chief Inspector Dennis Pamor, hepe ng Roxas Police Station na ito na ang ikatlong pagkakataon na isinailalim sa drug test ang mga Tokhang responders.

Ang dalawa ay isinagawa noong nakaraang taon at walang nagpositibo sa drug test.

Ang sorpresang drug test noong nakaraang linggo ay wala pang resulta.

--Ads--

Sakaling may magpositibo sa mga tokhang responder ay aanyayahan nila sa Roxas Police Station para malaman kung bakit nagpositibo sa drug test.

Ayon kay Chief Inspector Pamor, ang mga namonitor nila na sangkot sa illegal na droga sa kanilang nasasakupan ay mga bagong drug personality.