--Ads--

Lumalabas sa datos ng hanay ng Public Order and Safety Division (POSD) na isa sa madalas ireklamo o naidudulog sa tanggapan ay ang overcharging ng pamasahe dito sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na bukod sa problema sa pagsusuot ng protective gears ay may mga tricycle drivers din aniya na kumpirmadong naniningil ng higit pa sa inaprubahang pamasahe.

Kadalasan din umanong biktima ng overcharging ay mga estudyante, elementarya hanggang kolehiyo.

May mga pagkakataon din naman aniya na ang mga pasahero na ang kusang nagbabayad ng sobra ngunit sa bandang huli ay magrereklamo sila sa POSD kaya naaawa din aniya sila sa mga driver.

--Ads--

Sa ngayon, patuloy pa rin na nagpapaalala ang POSD na ang pamasahe lamang sa Poblacion area ay 15 pesos at sinumang singilin ng lalagpas dito ay maaaring ireport sa kanilang tanggapan.

Ang mapapatunayan naman na lumabag sa regular fare ay maaaring matanggalan ng lisensyang magpasada.

Kinokonsidera  ngayon ng tanggapan ang tinatawag na arkila kung saan may napagkakasunduang pamasahe ang pasahero at driver.

Umaasa ang hanay ng POSD na hndi magiging isyu ang arkila sa mga mananakay.