--Ads--

Nagsagawa ng operasyon ang Local Government Unit (LGU) ng San Mariano upang hulihin ang mga truck na nagkakarga ng tubo na paulit-ulit na lumalabag sa umiiral na ordinansa sa naturang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Manuel Melegrito ng Treasury Office, sinabi niya na may kaukulang multa ang ipapataw sa mga pasaway na truck drivers.

Paglilinaw naman ng MENRO Officer na si Erdy Taguba, 2017 pa lamang sila nagsimula sa panghuhuli, subalit may ilang pilit na lumulusot at nagdadahilan pa.

Batay sa ilang impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan, ilan sa mga truck na bumibiyahe ay dinadaya ang paglalagay ng net. Para makalusot sa checkpoint, isinasabit o isinasampay lamang nila ang net sa truck, habang ang iba naman ay hindi maayos na ikinakabit.

--Ads--

Ayon sa mga kinauukulan, layunin ng pagpapatupad ng ordinansa na mabawasan ang aksidente sa lansangan na dulot ng mga nalalaglag na tubo.