--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa State of Emergency ang buong lalawigan ng Ontario matapos na okupahin ng mga tsuper ng truck  ang mga tulay na nag-uugnay sa Canada at Estados Unidos.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Hajcsar na idineklara ni Premier Doug Ford ng Ontario ang State of Emergency matapos harangan ng mga nagpoprotestang tsuper ang tatlong tulay.

Kabilang sa mga tulay na ito ang Emerson Crossing sa pagitan Manitoba, Canada at North Dakota, Estados Unidos; Couch Crossing sa Alberta at ang Ambassador bridge sa Windsor, Ontario na nag-uugnay sa Detroit, Estados Unidos.

--Ads--

Iginiit ni Ford na illegal ang pag-okupa ng mga truck drivers sa mga national highway at international border crossing dahil sabagal sila sa mga commuter at delivery ng mga goods at medical services.

Ipapatupad simula sa araw na ito ang pagtanggal sa mga truck na nakaharang sa mga border crossing.

Magpapataw ang federal government ng multa na 100,000 dollars at pagkakulong o pagtanggal sa lisensiya ng mga operator ng mga truck.

Ang mga karatig na lalawigan ng Ontario ay nagbigay ng suporta sa pamamagitan ng pagpapadala ng dagdag na pulis na tutulong sa pagbuwag sa mga protesters.

Ang hakbang ni Premier Ford ay sinuportahan ni Prime Minister Justine Trudeau.

Nagbabala siya sa mga truck driver na kung ayaw nilang mawalan  ng lisensiya at magkaroon ng criminal record na makakaapekto sa kanilang trabaho ay itigil na ang kanilang kilos protesta.