--Ads--

CAUAYAN CITY– Nag-aabang na ang mga tsuper ng mga namamasadang pampublikong sasakyan sa pagpapatupad ng 100% seating capacity sa ilalim ng alert level 1 simula bukas dito sa Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, simula March 1, 2022 ay ipapatupad ang alert level 1 sa National Capital Region at 38 mga lugar sa bansa kabilang ang Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Lito Quinto, tsuper ng namamasadang van, ikanatuwa ng kanilang hanay ang pagsasailalim sa lalawigan ng alert level 1 dahil pagkakataon nilang makabawi sa kanilang pamamasada.

Aniya malaking tulong ito sa kanilang pamamasada ang pagpapatupad ng 100% seating capacity dahil madadagdagan ang bilang ng kanilang mga pasahero na malaking dagdag sa kanilang kita.

--Ads--

Samantala, patuloy naman na susubaybayan ng mga otoridad ang operasyon ng mga namamasadang pampublikong sasakyan upang matiyak pa rin na maiiwasan ang mabilis at matinding hawaan ng virus sa kabila ng pagluluwag na ng mga restrictions.

Bahagi ng pahayag ni Ginoong Lito Quinto, tsuper ng namamasadang van .