--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 20,000 tourist ang nagtungo sa Niagara Falls para saksihan ang Total Solar Eclipse.

Bilang hakbang ay bumuo ang pamahalaan ng Niagara ng task force at nagdeklara ng state of emergency para pangasiwaan ang pagdagsa ng mga turista.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Don Tumolva na bagamat may ilang bahagi ng Greater Toronto ang maulan ang panahon ay masaya pa rin sila dail sa napakagandang astronomical phenomenon.

Aniya, napakaraming mga residente kabilang ang mga bata ang lumiban sa klase habang may ilang nagkansela ng pasok para lamang matunghayan ang Total Solar Eclipse.

--Ads--

May ilan namang mga Filipino Community ang nagtungo sa Niagara Falls para doon masilayan ang Total Solar Eclipse.

May iba’t ibang mga aktibidad din bago ang total Eclipse sa Toronto Museum at Toronto Library sa origin at scientific explanation kung bakit nagaganap ang Total Solar Eclipse habang may mangilan-ngilan ang itinuturing ito bilang bad omen.