--Ads--

Pinabulaanan ng pamahalaang panlungsod ng Ilagan ang mga kumakalat na impormasyon na mayroong dalawang indibidwal na nawawala sa lungsod dulot ng mga naranasang pagbaha.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jun Montereal, Public Information Officer ng City of Ilagan, hindi nila alam kung sino ang nagpakalat ng naturang impormasyon subalit tiniyak nila sa publiko na walang mga ganitong klase ng insidente na naitala sa kanilang nasakupan.

Sa loob aniya ng maraming taon na sinasalanta ng mga kalamidad ang lungsod ay wala pa umanong casualty na naitala.

Samantala, sa ngayon ay nananatili pa rin sa evacuation centers ang 116 pamilya sa Lungsod ng Ilagan na apektado ng pagbaha bunsod ng mga pag-ulang dulot ng shear line.

--Ads--

May mga sapat namang pagkain ang mga evacuees at naibibigay ang kanilang mga pangangailangan pangunahin na ang pangangailangang medikal ng mga ito.

Bagama’t marami na ang mga nagsibalik sa kanilang mga tahanan ay patuloy pa rin umanong umaalalay ang Local Government Unit sa mga pangangailangan nito

Sa ngayon ay hindi pa rin madaanan ang ilang mga daan sa lungsod dulot ng makapal na putik na iniwan ng baha ngunit sa ngayon ay nasa labas na ang mga heavy equipments ng LGU masimulan na ang clearing operations sa mga binahang lugar.

Pinag-aaaralan naman na ng Lungsod ang pagdedeklara ng state of calamity.