--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang National Public Transport Coalition na huwag munang manghuli ng mga unconsolidated jeepney drivers hangga’t hindi pa natatapos ang mga pagdinig ng kongreso sa jeepney modernization program.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay National Public Transport Coalition Chairman Ariel Lim, sinabi niya na maliban sa malaking bahagdan pa ng mga jeepney drivers ang hindi pa consolidated sa Metro Manila ay may mga problema ring kinakaharap ang mga drivers na humabol sa consolidation.

Kabilang na rito ang mga hindi tinanggap na application for consolidation dahil sa may mga nauna nang nakapag-apply sa ilang ruta.

Sakali man na magkaroon ng hulian ay tiyak anyang maraming traditional jeepney drivers ang maaapektohan.

--Ads--

Nanawagan din si Lim kay Pangulong Marcos na hintayin nalang muna ang resulta ng imbestigasyon ng kongreso bago magpasya sa Jeepney Modernization.

Nakatakda ang susunod na pagdinig ng kongreso kaugnay sa jeepney modernization sa ika-21 ng Mayo 2024.