--Ads--

CAUAYAN CITY – Masaya kahit papaano ang mga magsasaka ng repolyo, wombok at sayote sa Nueva Vizcaya dahil sa binili na ng Kagawaran ng pagsasaka ang mga over supply na gulay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ferdinand Balagsa ang Sangguniang Bayan Member ng Ambaguio, Nueva Vizcaya, sinabi niya na sadyang hindi  parin sasapat ang mga ginagawang hakbang ng Kagawaran ng Pagsasaka para matulungan ang mga Magsasaka ng repolyo, wobok at sayote dahil sa sobra sobrang supply.

Aniya aminado ang mga magsasaka mula sa Ambaguio na mababa ang presyo nang pagbili ng DA sa kanilang mga aning repolyo subalit mas mabuti na rin lamang ito dahil kahit papaano ay naibenta na ang kanilang mga ani.

Kung matatandaan ay bumaba hanggang tatlong piso ang presyuhan ng mga repolyo at wombok sa Nueva Vizcaya, malayo sa dapat na kitain ng mga magsasaka na 16 pesos para maibalik ang kanilang puhunan.

--Ads--

ayon pa kay ginoong Balaga na idudulog nila sa Pamahalaang Panlalawigan ang kasalukuyang mga suliranin ng magsasaka sa Ambaguio, Nueva Vizcaya para mabigyan sila ng kaukulang tulong.

Aminado din siya na sa kabila ng mga hakbang ng Da may mga repolyo at wombok pari ang naitatapon habang ang ilan ay idinodonate na lamang sa mga bilanguan para sa mga Persons Deprived of Liberty.

Isa ngayon sa nagiging sanhi ng mabilis na pagkabulok ng mga gulay ay ang pabago bagong lagay ng panahon na nanaranasa sa rehiyon.

Panawagan din niya sa mga buyer na suportahan ang mga produkto ng mga local farmers na kumakayod para kumita.