Nakapagtapos na ang batch 21 ng mga volunteer rescuers ng Rescue 922 sa walong araw na training na isinagawa sa Rescue 922 Quick Response Base 1 at Brgy. Cabaruan, Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Training Officer Vivian Mangilab ng Rescue 922, sinabi niya na dalawamput isa ang unang dumalo sa training ngunit unti-unting nabawasan hanggang labing-apat na volunteer na lamang ang nakapagtapos.
Pormal na magsisimula ang duty ng labing-apat na nagtapos na rescuers sa February 24 kung saan may ilan sa kanilang mai-aassign sa Command Center.
Aniya well equipped ang mga ito para sa augmentation support sa kanilang kasapi para sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong.
Mayroon namang ibibigay na allowance ang pamahalaang panlungsod sa pagganap nila sa kanilang tungkulin.