CAUAYAN CITY – Narecover ng mga sundalo at pulis ang arms cache na naglalaman ng mga war material sa isinagawang ng joint operation kahapon, December 9, 2022 ng 50th Infantry Battalion Philippine Army at Kalinga Police Provincial Office sa Sitio Kalakatan, Mabaca, Balbalan, Kalinga.
Ito ay matapos nilang tugunan ang impormasyong ibinigay ng isang concerned citizen tungkol sa hideout ng mga miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla – Baggas ng New People’s Army (NPA).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCapt Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division Philippine Army na natunton at hinalughog ng mga sundalo at pulis ang inabandonang hideout ng mga rebelde sa masukal na bahagi ng nasabing lugar at natagpuan ang arms cache.
Laman ng arms cache ang 1 Colt M16A1 rifle na may 4 four magazines, 2 Garand rifles na may 5 magazine clips, 1 carbine rifle, 3 rifle grenades, 27 pieces ng 7.62mm ammunition, 2 M203 live ammunition, 1 60mm live ammunition, 2 sticks of Ammonium nitrate, 3 improvised explosives devices, electric wire, blasting cap, medical paraphernalia, NPA flag, personal belongings at mga subersibong dokumento.
Matatandaang noong December 8, 2022 ay nagkaroon ng sagupaan ang tropa ng 54th Infantry Battalion at mga kasapi ng KLG Ampis sa Tulgao, Tinglayan, Kalinga.