--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling nakasagupa ng mga militar sa ika-apat na pagkakataon ang Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) sa Sitio Dagui, Barangay Maragat, Kabugao, Apayao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay AMaj. Ed Rarugal, Hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division, Philippine Army, sinabi niya na ang mga naka-engkwentro ng 98th Infantry Battalion ay siya ring grupo na kanilang nakasugapa noong ika-5 at ika-7 ng Abril.

Sa nangyaring sagupaan ay narekober ng mga militar ang mga personal ilang armas at personal na kagamitan ng mga makakaliwang grupo.

Mayroon ding mga blood stains na nakita sa encounter site na indikasyon na mayroong nasugatan sa mga tinutugis na NPA.

--Ads--

Batay sa kanilang pagtaya, aabot sa 20 NPA ang mga nakasagupa ng Militar.

Sa ngayon ay hindi pa makaalis ang ICRC sa Brgy. Maragat dahil patuloy ang pagtugis sa kanila ng mga militar.

Nanawagan naman siya sa mga nalalabing miyembro ng mga makakaliwang grupo na magbalik loob na sa pamahalaan kung saan tiniyak niya ang tulong na ibibigay sa mga ito para sa kanilang pagbabagong buhay.