CAUAYAN CITY- Nagpapatuloy ang ginagawang monitoring ng 5th Infantry Divisionn Philippine Army sa mga makakaliwang grupo sa kanilang nasasakupan kaugnay sa nalalapit na anibersaryo ng CPP-NPA-NDF sa ika-26 ng Disyembre.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Melvin Asuncion, Hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, sinabi niya na bagama’t hindi na gaanong aktibo ang pwersa ng naturang grupo sa kanilang nasasakupan ay hindi pa rin sila tumitigil sa pagsupil sa mga ito.
Hindi aniya nila tinatanggal ang posibilidad na magsagawa ng aktibidad ang mga makakaliwang grupo sa kanilang anibersaryo ngunit nakahanda naman aniya ang hanay ng mga kasundaluhan para rito.
Samantala, umuusad na na aniya ang proseso para sa pagdedeklara ng insurgency free sa lalawigan ng Isabela at inaantay na lamang nila ang mga requirements na isusumiite sa Peace and Order Council ng lalawigan para maisakatuparan ito.