--Ads--

Mas lalong paiigtingin ang inspection sa mga border ng Estados Unidos matapos simulan ang pag-deport sa mga illegal immigrants sa lugar.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na nag-deploy si US Pres. Donald trump ng 15,000 military para magbantay sa US borders upang wala nang makapasok pa na mga illegal Immigrants sa Estados Unidos.

Aniya, sa kabuuan ay aabot sa 20 million ang bilang ng mga undocumented immigrants sa US at 2% ng National Budget o katumbas ng $150.7B ang nagagastos ng pamahalaan sa kanila.

Masyado aniyang madami ang bilang ng mga ito kaya mahihirapan ang pamahalaan na ipa-deport ang mga ito kaya uunahin muna nilang pauwiin ang mga may criminal record.

--Ads--

Sa ngayon ay 4 eroplano na kinalululanan ng mga immigrants ang naipadala sa Mexico habang 2 eroplano naman ang naipadala sa Colombia.

Marami aniya sa mga maapektuhan ay ang mga illegal immigrants ay bahagi ng labor force at nakakatulong aniya sila ekonomiya ng bansa ngunit bibigyan naman umano sila ng pagkakataon na iproseso ang kanilang papeles para maging legal ang kanilang pananatili roon.

Gayunpaman ay mas pinili ng ilan na hindi na ilakad ang kanilang papeles dahil sa mahal umano ang gastos para rito.