--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa P/9 million ang halaga ng mga sinirang marijuana sa isinagawang Marijuana eradication ng pinagsanib na puwersa ng 5th Infantry Division Phil. Army, Composite teams ng PDEA region 1, 2 at Cordillera Administrative Region, mga kasapi ng Kalinga Police Provincial Office at Tinglayan Police Station sa dalawang barangay ng Luccong at Buscalan sa bayan ng Tinglayan.

Umaabot sa 7,300 square meter na mayroong tinatayang tatlumpu’t walong libong fully grown marijuana sa nabanggit na dalawang barangay ng Tinglayan, Kalinga ang kanilang sinira.

Nagkakahalaga ito ng siyam na milyong piso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Army Captain Jefferson Somera, head ng Division Public Affairs ng 5th ID na umabot sa dalawampong lugar sa dalawang barangay ng Tinglayan ang pinagsagawaan nila ng marijuana eradication noong ikatatlumpo ng Hunyo.

--Ads--

Suportado ng pamunuan ng 5th ID ang anti drug operations ng PDEA.

Inihayag pa ng pamunuan ng 5th ID na maraming buhay ang naisalba dahil sa nasirang mga pananim ng marijuana

Sa ngayon ang nagtutulong tulong ang mga pulis, sundalo at PDEA upang matukoy pa ang taniman ng mga marijuana sa Kalinga para tuluyan nang masira.

Inihayag pa ni Capt Somera na ang lugar kung saan nila sinira ang mga pananim na marijuana at malapit sa tatlong taniman ng mga marijuana na sinira noong Pebrero, 2018 na nagkakahalaga ng anim na milyong piso.