--Ads--

Maghihigpit na ang pamunuan ng Barangay Minante Dos kaugnay sa regulasyon sa pagtatapon ng basura.

Ito ay matapos na maitala ang pagkakalat ng basura sa gilid ng kalsada partikular sa harapan ng ilang establisimiento kabilang ang himpilan ng Bombo Radyo Cauayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kagawad Ronald Agcaoili, ang Chairman ng Committee on Beautification, Environmental Protection and Ecology, sinabi niya na kadalasan anyang dahilan nito ang mga motorista na basta nalang itinatapon ang mga pinagkainan sa gilid ng kalsada.

Kaugnay nito ay plano na anya nilang magsagawa ng paglilinis kasama ang mga barangay workers, isang beses kada labing limang araw.

--Ads--

Pinagplaplanohan na rin umano nilang magpasa ng ordinansa na nagpapataw ng parusa sa mga mahuhuling magtatapon ng basura sa gilid ng kalsada.

Anya, maghihigpit din sila sa mga tindahan o puwesto sa kanilang barangay kaugnay sa paglalagay ng maayos na basurahan upang hindi na itapon kung saan-saan ang mga basura.