--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglabas ng wage order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards Region 2 o RTWPB na naglalayong magkaroon ng dagdag sahod sa mga minimum wage earners sa mga pribadong establisyemento.

Tatlumpung piso ang maidaragdag sa sahod ng mga minimun wage earner sakaling magsimula na ang effectivity ng wage order.

Tataas sa 480 pesos mula sa dating 450 pesos ang magiging sahod ng mga nasa non-agricultural sector samantalang aangat din sa 460 pesos mula sa 430 pesos ang mga nasa Sektor ng Agrikultura.

Aprubado na rin ng RTWPB II ang 500 pesos na dagdag sahod sa mga kasambahay sa lahat ng siyudad at munisipalidad kung saan papalo na sa 6,000 pesos ang magiging monthly minimum wage ng mga kasambahay sa Region 2.

--Ads--

Inilabas ang wage order noong Martes, October 1 at magiging epektibo sa October 17, 2024.

Nakasailalim ang wage order sa Republic Act No. 6727 o Wage Rationalization Act kung saan ikinonsidera ang iba’t ibang factors gaya na lamang ng inflation, regional economic conditions at cost of living bago pagkasunduan ng mga nasa kinauukulan.

Sakaling maisakatuparan ang dagdag sahod, aabot sa 64,843 minimum wage earner ang makikinabang dito habang 136,594 naman na mga above minimum ang kinikita ang maaring magkaroon ng indirect benefit bilang resulta ng upward adjustments sa mga enterprise level dahil sa mangyayaring wage distortion bunsod ng ipatutupad na wage order.

Papalo rin 49,165 kasambahay ang inaasahang makikinabang sa panukalang taas sahod.

Samantala, maaring magpasa ng exemption para sa dagdag sahod ang mga may-ari ng establisyemento na regular na

Kumukuha ng mga mangggawa na hindi hihigit sa sampu at ang mga negosyon naapektuhan ng mga kalamidad o kaya’y human-induced disasters.

Hindi rin sakop ng taas sahod ang mga Barangay Micro Business Enteprises alinsunod sa Republic Act No. 9178 Barangay Micro Business Enterprises Act of 2002.