CAUAYAN CITY- Hindi makapaniwala ang isang Mining Engineer mula Cagayan na mapapabilang siya sa Top notchersa sa katatapos na 2024 Mining Engineer Licensure Examination.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Kieth Jeremy Miguel sinabi niya na hindi siya ang unang top natcher sa kanilang Pamilya sa katunayan tatlo silang magkakapatid na naging top natchers sa kani-kanilang mga larangan.
Aniya, bagamat expected na papasa siya ay hindi niya lubos naisip na maging top notcher sa naturang pagsusulit.
Sa katunayan aniya nahirapan siya sa time management dahil pinag sabay niya ang pag rereview sa kaniyang trabaho at dalawang oras lamang ang nilalaan niya para sa pag rereview.
Ilan sa pinaka mahirap na bahagi ng pagsusulit sa Engineering ay ang economics.
Mining ang napili niyang kurso dahil sa ito ang inirekomenda ng knaiyang Nanay, maliban sa isa ito sa mga kurso sa bansa na hindi gaanong popular.
Inaalay niya ang kaniyang tagumpay sa kaniyang Pamilya, at sa mga kaibigan na sumuporta sa kaniya.





