CAUAYAN CITY- Generally Peaceful ang unang anim na araw ng Misa De Gallo sa Lungsod ng Cauayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Order and safety Dvision Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na ang tanging mga naitatala lamang nilang mga problema ay ang pag-iingay ng ilang mga kabataan sa labas ng simbahan.
Agad naman umano nila sinisita ang naturang mga kabataan at pinagsabihan sa mga kahaharapin nila kung sakali mang maulit pa ang ganoong insidente.
Samantala, dahil umano sa mga re-routing na kanilang ipinalabas bago magsimula ang misa de gallo ay wala namang nararanasang pagsikip sa daloy ng trapiko tuwing madaling araw.
Naka-deploy kasi aniya ang mga kawani ng POSD katuwang ang PNP at mga force multipliers upang magmando sa trapiko.
Minomonitor din umano nila ang pagdating ng mga pampasaherong bus mula maynila upang matukoy nila kung anong oras makakarating ang mga ito sa lungsod ng Cauayan.
Inaasahan naman nila na simula ngayong araw hanggang sa bisperas ng kapaskuhan ay dagdagsa ang maraming sasakyan dahil sa holiday rush.