--Ads--

CAUAYAN CITY – Napatay ng isang mister ang kanyang misis, sa Villa Imelda, Ilagan City sa gitna ng kanilang pagtatalo dahil umano sa pagkakaroon ng textmate ng ginang.

Ang biktima ay si Melowin Baraquio, 26 anyos habang ang suspek ay ang mister na si Roberto Baraquio, 34 anyos, construction worker at kapwa residenten sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ng City of Ilagan Police Station, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa tungkol sa hinihinalang textmate ng ginang.

Marami umanong pinagsasabing hindi maganda si Melowin tungkol sa kanyang biyenang babae na mas lalong ikinagalit ng kanyang asawa.

--Ads--

Kumuha ang suspek ng kutsilyo at pinagsasaksak ang kanyang misis ng limang beses na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Kusang sumuko si Roberto sa mga tumugon na barangay tanod na nagdala sa kanya sa himpilan ng pulisya para sa masusing imbestigasyon.