--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang misis habang malubhang nasugatan ang kanyang mister at isa pa sa banggaan ng 2 motorsiklo dakong alas siyete ng gabi sa Barangay Sinamar Norte, San mateo, Isabela.

Ang nasawi ay si Domilin Bungacayao habang nasugatan ang mister na si Edgar, kapwa residente ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Nasugatan din ang tsuper ng nakabanggaang motorsiklo na si Jonathan Inierga, 34 anyos, residente ng Namillangan, Alfonso Lista, Ifugao.

Lumabas sa imbestigasyon ng San Mateo Police Station na parehong patungo sa direksiyon ng Ramon, Isabela ang 2 motorsiklo ngunit pagdating sa Sinamar Norte ay biglang lumiko si Inierga.

--Ads--

Hindi ito napansin ni Edgar Bungacayao kaya naganap ang banggaan ng dalawang motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impact ng banggaan ay nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang tatlong sakay ng 2 motorsiklo.

Dead on arrival sa ospital si Ginang Bungacayao habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang kanyang mister at si Jonathan Inierga.