--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbunyi ang mga Novo Vizcayano sa tagumpay ng kababayang beauty queen sa Miss Tourism Philippines 2019 na ginanap noong gabi ng July 28, 2019 sa Sentro Baler sa bayan ng Baler, Aurora.

Tinanghal na Miss Tourism World Philippines si Bb. Hannah Buctayon na residente ng Diadi, Nueva Vizcaya.

Si Bb. Buctayon ang kumatawan sa bayan ng Diadi sa ginanap na Search for Saniata ti Nueva Vizcaya sa pagdiriwang ng Grand Ammungan Festival 2019.

Siya ay kumuha ng kursong Bachelor of Science in Agricultural Business sa Nueva Vizcaya State University (NVSU) at isang black belter.

--Ads--

Siya ang secretary ng Philippine Taekwondo Association (PTA).

Si Bb. Buctayon ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Tourism World na gaganapin sa Pacific Palace Hotel Batam sa Indonesia sa September 22, 2019 na lalahukan ng 30 kandidata ng iba’t ibang bansa .

Samantala, ang tinanghal na Miss Tourism Queen Worldwide Philippines ay si Bb. Theresa Diana Macalino Pazcoguin ng Tarlac.

Ang Miss Tourism Universe Philippines ay si Bb. Chantal Mae Tolosa ng Manila.

Ang Miss Tourism Ambassador Philippines ay si Bb. Stefanie Montes ng Aurora.

Ang 1st runner up ay si Catherine Bautista ng Ilocos Sur habang ang 2nd runner up ay si Bb. Elena Marie Cabaltican ng Isabela na residente ng Luna, Isabela.

Nagpasalamat si Bb. Cabaltican sa lahat ng mga tumulong sa kanya sa pagsali niya sa beauty pageant.


Ang 3rd runner up ay si Jinky Jane Lingat ng Cagayan habang ang 4th runner up ay si Bb. Mhiles Cabusas Villanueva ng Quezon Province.