--Ads--

CAUAYAN CITY -Malaking pag-asa na makapasok sa Top 3 si Miss Universe Phils. Rabiya Mateo at mag-uuwi ng korona sa 69th Miss Universe bukas ng umaga na gaganapin sa Hollywood, Florida, Estados Unidos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Cesar Tableso, isang pageant enthusiast na naniniwala siyang malaking puntos para sa mga kandididata ang mga ginaganap na preliminary Competition sa Miss Universe.

Sinabi ni Ginoong Tablleso na bago man magaganap ang Preliminary Competition ay mayroong ginaganap na private question and answer portion bago ang ginanap na National Costume.

Sa kabila na maraming nangbash kay Miss Universe Phils. Rabiye Mateo na hindi naisuot ang kanyang headdress ay nagawa naman nito ang kanyang tungkulin.

--Ads--

Sinabi ni Ginoong Tablezo na napakaganda ang kanyang ‘Ariba Walk”.

Batay anya sa kanyang mga napanood na interviews kay Rabiya ay malaki ang posibilidad na makuha ni Rabiya Mateo ang korona para sa 69th Miss Universe.

Malaki anyang factor na makakapasok sa Top 3 si Rabiya dahil marunong siyang makisama sa mga kapwa kandidata at hindi lamang nagsasalita para sa sarili kundi sa buong Miss Universe.

Batay anya sa kanyang pagtaya ay may mga taga Europe , South Africa, North America at Asia.

Bahagi ng pahayag ni Ginoong Cesar Tableso, isang pageant enthusiast