--Ads--

CAUAYAN CITY-  Nanlumo ang isang mister makaraang maaktuhan ang misis at kalaguyo na magkapatong sa Echague, Isabela.

Naisipan ng mister na maghanap ng kutsilyo sa kanilang  kusina  ngunit walang makita kaya’t kinuha niya ang kaserola at kaldero na pinanghampas sa magkalaguyo.

Matapos nito ay lumabas ang mister at nagsisigaw sa labas ng kanilang bahay sanhi para maglabasan ang kanilang mga kapitbahay at nalaman ang sikreto ng kanyang  misis.

Nagsumbong ang mister sa kanilang barangay kapitan  at dinala sa himpilan ng pulisya ang magkalaguyo.

--Ads--

Ayon sa mister, matagal na anyang usap usapan sa kanilang  ang ginagawa ng kanyang misis ngunit hindi niya pinaniwalaan hanggang sa naaktuhang mismo.

Naaktuhan ng mister ang pangangaliwa ng misis makaraang bumalik sa kanilang bahay  nang may makalimutang dalhin  at dito na mismong nakita ng dalawa nitong mata ang mainit na tagpong  ginagawang pangangaliwa ng misis at kanilang kumpare.

Handa namang magsampa ng kaso ang mister laban sa kanyang misis at kumpare nito.